As of October 9, 2014 1:55 pm

Search this website

Loading
FOLLOW US IN THESE SITES:
       

Promoted Posts



Current Events

My take on what's happening around us.

Author: Neil Celeste Rara
The author is a freelance web and graphic designer. He currently works as a Project Officer at Meralco's Corporate Social Responsibility Office. Before that, he worked for a broadcasting company for six and a half years. Visit his portfolio site at www.neilrara.com.

Mikael Daez at Andrea Torres nilampaso sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao

Screen Shot 2012-10-25 at 5.22.19 PM
Screen Shot 2012-10-25 at 5.22.19 PM.

Bago pa lang ang tambalan nina Mikael Daez at Andrea Torres sa “Sana Ay Ikaw Na Nga (SAINN)” at marami — kasama na sila — ang kinabahan nang isalang sila for the first time sa nasabing soap. Ngunit sa taas ng ratings ng show ay maaari nang huminga nang maluwag sina Mikael at Andrea.

Sa katunayan, sa ratings kahapon ay muli na namang nilampaso at dinurog to the bones ng SAINN ang katapat nitong programa sa ABS-CBN na “Kung Ako’y Iiwan Mo (KAIM).”

Base sa October 24 (Wed) Mega Manila Household audience shares mula sa Nielsen TV Audience Measurement, nakakuha ang SAINN ng palung-palo na audience share na 52.4% samantalang ang KAIM naman ay nakakuha lang ng 19.1%.

Ang SAINN din ang nakakuha ng pinakamataas na ratings at audience share sa araw na iyon sa buong afternoon block.

Siguradong ganadong-ganado ang buong cast at production team ng SAINN na pinangungunahan nina Hazel Abonita (Program Manager), Jojo Aleta (Executive Producer) at Roderick Lindayag (Director) dahil sa consistent na pangunguna sa ratings ng kanilang programa.  More power to SAINN!